Pages


Thursday, November 8, 2012

Emote Lang!

Habang nagbabasa ako ng blog posts ni  Ate Cheene <kwentongpalaka.blogspot.com>, bagong ka blog na sinusubaybayan ko, naiiyak ako. Nakaka-relate kasi ako sa mga pinagdaanan nya. Ikaw ba naman iwanan sa matagal nang relasyon na akala mo ay FOREVER na ang drama. Hay naku nga naman!! 

Isang rason pa ay 10th Monthsary namin ngayon ng asawa ko, oo asawa ko na sya, <wew! chika lang> pero tinulugan lang ako ng 'shunga' dahil pagod daw sa trabaho.

'Yun ay naintindihan naman nang utak ko pero ang puso ko, bobo talaga. Ayun! Emote.mode ON tuloy. Miss na miss ko na sya sobra. 'Pag ganyan na ang mood ko, wild na ang imaginations ko. Hehe! Alams na. How I wish magkasama kami. Tsk!


Another thing is, Bertdeeeeee ko na!! Happy 18th Birthday to MEI na lang. Sana pag uwi ko mamaya sa boarding house, nag-overnight kasi ako sa pub office, MASAYA.


Eto lang muna 'till tomorrow.


*_* annefiLan